Half-half

Half-half
It can be happy or sad. It can be better or worse. It's either-or but it will never be neither-nor. :)

3.20.2012

Ang Impluwensya ng Asian Dramas


Koreanovela. Usung-uso ‘yan ngayon. High school yata ako noong nagsimulang kumalat ‘yan sa Pilipinas. Sa pag-kakaalala ko Lovers in Paris ‘yung pinaka-una kong pinanood. Actually hindi ako ‘yung sumubaybay nun kundi ‘yung mama ko. Maaga kasi akong matulog dati. Tapos nagulat na lang ako pinag-uusapan na s’ya sa school namin. S’yempre, para maging in, naki-nood naman ako. Maganda naman ang istorya. Dahil ‘din dun sumikat ‘yung kanta ni Kitchie Nadal na “’Wag na ‘Wag Mong Sasabihin.” At sino ba naming makaka-limot sa naging usong expression na “Aja!”

Marami nang pinalabas na "imported series" dito sa Pilipinas. Hindi lang galing Korea, pati na rin galing Japan at Taiwan. Parang mga surplus lang.. Anyway, dahil sa mga palabas na ‘yun sa channel 2 at 7 pati na rin 5, 9 at 13 dati, maraming na-impluwensyahan. At, isa na ko roon. Noong una, bumibili lang ako ng mga pirated dvd’s pero dahil nauso na ang free download sa internet, halos lahat ng pinanonood ko, galing sa paborito kong site na hindi ko muna ime-mention kasi ‘di pa ko nakakahingi ng permiso. Pero kapag napabisita kayo sa website na’to, astig! Hundreds ang makikita n’yong Korean, Japanese, Taiwanese at kahit Filipino movies and series at marami pang kung anu-anong lahi  sa Asya. May love story, horror, suspense, police drama, comedy, detective, high school drama at kahit na anime.

Marami na ring streaming sites ngayon na pwede mong panooran ng mga ganito. Pero ang napansin ko, kapag gusto mong manood ng magandang drama na love story o musical ang tema, Korean ang nagunguna. Kung gusto mo naman ng police/detective/mystery o high school drama, Japanese ang maganda. Kung light drama naman na may halong comedy at love sory, Taiwanese series ‘yung mas okay.

May kasunod pa ‘to, sigurado.. dahil habang ginagawa ko ang post na ‘to, iba talaga ang nasa isip ko. :)

No comments:

Post a Comment