Half-half

Half-half
It can be happy or sad. It can be better or worse. It's either-or but it will never be neither-nor. :)

4.18.2011

Palm Sunday

Yes! I made it! It's Palm Sunday yesterday. Sa sobrang dami ng tao, hindi ko naisip na makakapasok ako sa loob ng Baclaran Church.. Nagbebendisyon pa lang ng mga palaspas nang dumating kami. The people were seriously listening to the commentator. And I can't even lift my hand to wipe my sweat in my forehead or cover my nose because of the foul smell that the heat and the body created. Medyo masakit na rin ang paa ko sa pagkakatayo, dumagdag pa 'yung sakit ng paltos ko sa paa dahil sa sandals ko. Pero okay lang, atleast nandoon ako.

Ang mga tao hindi pa rin tumitigil sa pagdating, kahit nasa gitna na ng misa may mga pumapasok pa rin. Pero syempre, uulitin nila ang sunod na misa. Naniniguro lang sila na meron silang mauupuan. Whew! People! But then, dun ko na-realize na ang mga tao talaga laging may soft spot. Kahit siguro ikaw na ang pinaka-batong tao sa mundo (hehe, bato? tao?), meron ka pa rin nun. I even saw a man sitting prettily who lends his seat to an elderly. Though it's a common way of showing kindness, it melted my heart.

Mob. Para kang nasa 1vs100 at nand'yan and mob na kalaban mo nung patapos na 'yung misa. Hindi namin alam kung san kami pipila para tumanggap ng banal na kumunyon. Queue, queue, queue. Sabi ng pinsan ko sa may gitna daw kami pumila kaso sabi ng isa pa naming kasama, masyado daw malayo, maghintay na lang daw kami ng lalapit sa may gilid ng simbahan. Tinamad? Haha.
  
And we started to get wild after the mass. Parang concert lang, sa end nga lang kami naging wild. Kasi naman magbebendisyon na daw ng palaspas. Sobrang winawagayway ko na 'yung palaspas na hawak ko pero mali pala. Sa simula kasi 'yun ng misa. OMG, hindi namin naabutan. Nah, We arrived in the middle of it and 'di namin agad nakita kasi ang daming tao. 

Perseverance. Haha, 'yan 'yung hindi nawala samin nung time na 'yun. Dahil may next mass pa, hinintay namin uli magsimula.. Nakakalungkot at nakaka-bother  lang kasi may batang nawawala, sa sobrang dami ng tao. And it's more bothering 'cause she's a special child. 'Di ko alam kung nakita s'ya kasi 'di naman in-announce. Anyway, go pa rin ako sa pagwagayway ng palaspas. After 20 mins, nag-start na 'yung next mass. I desperately raised my hand and even tiptoed just to have a drop of Holy Water. 

Ilang minuto na lang. Konting wagayway pa. And suddenly the kids behind me started to make a conversation. Siguro mga nasa elementary palang 'yung mga 'yun. Hmmnn.. Grade 1 siguro. Sabi ng isa na mas maliit ng konti, "bakit ba tayo pumipila dito?" Hindi sumagot 'yung guardian nila pero 'yung isang bata na chubby 'yung nagsalita. "Para sa palaspas!" Good job! And then suddenly... "at saka baka bibigyan nila tayo ng pagkain." Haha. I almost burst into laughter. Hindi halatang malakas kang kumain kiddo! And finally padating na ang pari. Dahil humirit 'yung chubby na bata kanina, humirit din 'yung isa. "Uy, tignan mo, shineshembot nila 'yung palaspas. I-shembot din natin." Ano daw? Haha. Winawagayway ang tawag d'yan. And thank God, dumating na 'yung pari. It's great, my palaspas had its share of the Holy Water. :-)

No comments:

Post a Comment