Yosh! Yukata, may kasunod na. Matagal kong inisip kung anong isusunod kong ilalagay sa blog ko. Marami nang magandang nangyari after ng last post ko. My friend and brother’s birthday and my birthday… I’m really happy that time. I’m so thankful for my parents who raised me, for my relatives who nurtured me and for my friends who accompanied me all throughout. But then, it’s not actually the reason why I want to write right now. This one is for a friend.
Aica. That’s her nickname. When I first met her, I just want to call her by her given name. Iniisip ko na parang ibang ka-boarding house lang naman s’ya. Magkakilala lang kayo, nakakasalubong mo pag-uwi galing trabaho, nakakabatian mo kapag rest day. Pero habang tumatagal, nakikilala namin s’ya ng pinsan kong si Joan na kasama ko din sa boarding house. Even my mom root for her. Kahit ‘yung ibang friends ko. Mabait talaga si Aica. Masayahin din. Halos lahat natutuwa sa kanya. Pero s’yempre may iba rin na hindi s’ya gusto dahil sa ilang aspeto ng buhay n’ya. Pero kahit na. Para samin, kaibigan talaga s’ya.
Matagal-tagal din kaming nagsama. It was August of 2009 when we first met her. Kasama namin s’ya sa mga gala at gimik, shopping, grocery at kahit na sa paglabas lang para bumili ng makakain. First time kong mag-bar and disco ng walang kasamang matanda, though she’s two years older than me. Naalala ko, tatlo lang kami noon, kasama ‘yung pinsan ko. It was cool. We dance ‘till we’re exhausted, we drink all night and we enjoy meeting other people (hehe, mukhang exaggerated). Sa kabila nang mga gimik namin, magkakasama rin kaming tatlo sa pagsimba tuwing Miyerkules o Linggo ng hapon sa Baclaran Church. Sama-samang humihingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalan, nagpapasalamat sa mga biyayang tinamo at humihiling ng mga bagay na ikabubuti namin. So sa lahat ng bagay, partners in crime kami.
And when we thought that everything is in the right place, there comes problem and trial that threaten the current life that we all have. There came a time that I can’t come to all the gimmicks we have because of work. I didn’t even know that something already happen to them. And then, we got news. She became pregnant. At first, I really don’t believe her. Or actually, ayoko lang na matakot s’ya kapag na-confirm na magkaka-baby na s’ya. Pero nung nakita ko na gusto rin naman n’ya magka-baby at ready na s’ya, I thought it’s better to support her.
Parang ang bilis nang lahat. Maraming nagbabago pero si Aica hindi. Mabait pa rin s’ya samin. Tunay na kaibigan. Mapagbigay at maalalahanin. Even though she is carrying a baby, she’s still there supporting us. Giving advice for every time we experience uncomfortable situation, kahit nga sa lovelife o kahit ano lang. Kapag binibisita namin s’ya, tatanungin n’ya agad kung kumain ka na at iaalok sa’yo ang anumang pagkain meron s’ya. Maraming araw din ‘yung hindi kami nagkikita pero palagi pa ring nagkakamustahan. May oras pa ngang nagkasakit ako. At kahit alam kong nahihirapan s’ya sa pagbubuntis n’ya, s’ya pa rin ‘yung tinawagan ko. Dumating s’ya agad na may dalang isang prutas. Haha, sobrang na-appreciate ko talaga. At akalain mong sinamahan pa n’ya kong pumunta sa hospital at maghanap ng clinic na nirekomenda ng doctor kahit madali s’yang mapagod dahil malaki na ang tiyan n’ya. Anyways, that’s few months back. She already gave birth to a healthy baby boy.
Iba talaga si Aica. Marami pa kong gustong sabihin pero hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Iniisip kong nagtatampo si Aica kasi hindi na ko nakakasama sa kanila, hindi nakakapunta sa mga imporatanteng okasyon sa buhay n’ya at hindi nakakatulong sa mga problemang kinakaharap n’ya. But I know she’s not like that. Kahit konti lang ang ibigay mo, maa-appreciate n’ya. Kahit konting bati lang, matutuwa na s’ya. Dahil ganun s’ya. A true friend who doesn’t ask for anything in return for all the things she has done for us... Pero tulad nang iba kong post, bakit nga ba ito ‘yung naisip kong ilathala. Simple lang, nakita ko s’ya kanina after few months. May kinuha lang s’yang gamit at uuwi din daw uli sa Bulacan. We had a short conversation but I remembered all the kulitan, tawanan, gimik, takas at kahit awayan.. She’s really one good tomodachi..